Glosaryo Batay sa Ponema at Morpemang Anyo ng Salitang Tadbaliks na nasa Facebook
Abstract
Kabahagi ng wika ang nananaig na kultura ng isang lipunan. Dekada sitenta (70s) nang umiral ang mga salitang erap at nosibalasi. Sa panahon ng Henerasyon Z ay muli itong nagbalik dahil sa milenyal na salita, hugot lines at koda ng teknolohiya na naging bahagi na ng komunikasyon. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makabuo ng glosaryo ng mga salitang tadbaliks sa Filipino. Gamit ang debelopmental na pamamaraan, ang mga mananaliksik ay lumikom ng salitang tadbaliks sa Facebook na ginagamit ng mga piling mag-aaral sa hayskul. Sinuri ang anyo at binigyang kahulugan ang mga salita batay sa konteksto ng usapang naitala. Mula rito, nakabuo ng isang glosaryo ng mga tadbaliks sa Facebook. Pinatunayan na sa pagbuo ng glosaryo, ang pagbibigay ng kahulugan sa mga tadbaliks na salita ay mahalagang nakabatay sa konteksto ng social media at mga taong gumagamit nito. Iminumungkahi na gamitin bilang sanggunian ang binuong glosaryo sa
pagtuturo ng aralin sa Filipino at mga kaugnay na disiplina.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2023 The Normal Lights

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivatives 4.0 International License.