Ang Gurong Manunulat/Ang Manunulat na Guro: Dukal ng Pagkamalikhain at Sosyo-Pulitikal sa Bansa

Main Article Content

Patrocinio V. Villafuerte

Keywords

ang gurong manunulat, education

Abstract

Ang guro'y manunulat ng kanyang panahon. Walang araw na hindi hindi siya nagsusulat. Mula sa banghay-aralin na kanyang inihahanda araw-araw hanggang sa pagtatakda ng gawaing-bahay sa kanyang mga mag-aaral, siya'y gurong hindi makawala sa proseso ng pagsulat. Sa tradisyonal na pamamaraan, siya'y gurong nagsisilbing tagabasa lamang ng mga isinusulat ng kanyang mga mag-aaral. Sa makabagong estratehiya, pinalalawak niya ang kanyang papel bilang tagabasa ng mga sulatin. Katuwang siya ng kanyang mga mag-aaral sa pagpili ng paksa, nilalaman, wika at antas ng pormalidad sa pagsulat. Bagamat masasabing dahop siya sa paglalahad sa kanyang mga mag-aaral ng kongkreto at detalyadong proseso ng pagsulat, lagi siyang nakasubaybay sa pagpapahusay ng komposisyon ng kanyang mga mag-aaral. Sa pagtuturo niya ng pagsulat, kailangan niya ang paglalaan ng mga gawaing mag-aangat o magtataas ng interes sa pagsulat ng kanyang mga mag-aaral. Matatamo niya ito sa pamamagitan ng mga makabuluhang karanasang pupukaw sa kawilihan ng kanyang mga mag-aaral sa pagsulat gaya ng pagtuklas sa sarili, pagbabasa, pakikipag-interaksyon, paggamit ng imahinasyon, atb.


Bilang guro, ang kanyang paggabay sa wastong pagsulat ng kanyang mga mag-aaral ang tanging kontribusyon niya sa proseso ng malikhaing pagsulat. Ngunit dahil bukod sa pagiging guro ay manunulat din siya, kayat malaki ang kanyang paniniwala na siya'y makapagbibigay ng higit na malalim na pagpapakahulugan sa tekstong kanyang ipinasusulat sa kanyang mga mag-aaral.


Isa ring guro ang manunulat. Ibinabahagi niya ang kanyang damdamin, mithiin at pangarap sa mga mag-aaral na nakapagbibigay ng pagkakataon sa mga ito para sila makasulat nang nababatay sa kanilang namamasid, natutuklasan at nararanasan. Ganito rin ang pinapangarap ng sinumang gurong manunulat o ng manunulat na guro: ang pukawin ang kawilihan ng mga bumabasa upang makasulat. Upang makasunod sila sa kanyang mga yapak. Upang maging malikhaing manunulat.


Maihahalintulad sa paglikha ng apoy ang proseso ng malikhaing pagsulat: Bilang guro ay lumilikha siya ng ningas, at bilang manunulat ay tagalikha siya ng apoy, tulad ni Prometheo, isang Titano sa mitolohiyang Griyego na ninakaw ang apoy sa mga diyoses ng Olimpo upang ibigay sa mga tao - isang metapora ng paglikha o pagtuklas ng karunungan ng tao. Subalit ang patuloy na pagliyab ng apoy o ningas ay wala sa kapalaran ng sinumang guro, kundi nasa palad ng manunulat.

Abstract 7146 | PDF Downloads 4169

References

A. Aklat

Almario, Virgilio S. 1984. Balagtasismo versus modernismo. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

Chesler, Mark A. and William M. Cave. 1984. A sociology of education access to power and privilege. New York: Macmillan Publishing Co., Inc.

Croghan, Richard V. 1976. Finding your style. QuezonCity: Phoenix Press, Inc.

Daluyan. Journal ng SWF sa talakayang pangwika. 2000. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino.

Levy, Michael C. and Sarah Ransdell. 1996. Creativity on writing. New Jersey: Lawrence Erlbaum Associates, Inc.

Matute, Genoveva Edroza. 1992. Sa anino ng edsa at iba pang mga kuwento. Quezon City: University of the Philippines Press.

McCrimmon, James M. 1980. Writing with a purpose. Boston: Houghton Mifflin Co.

Panizo, Alfredo and Erlinda F. Rustia. 1991. Introduction to art appreciation and aesthetics an approach to the humanities. Quezon City: Bede's Publishing House, Inc.

Parangal sa Philippine Normal University. 2001. Manila: Philippine Normal University Press.

Quinn, Kenneth. 1983. How literature works. Sydney: Australian Broadcasting Corporation.

Reyes, Soledad S. 1992. Kritisismo mga teorya at antolohiya para sa epektibong pagtuturo ng panitikan. Pasig City: Anvil Publishing Co.

Santiago, Alfonso O. (ed.), 1984: Bantayog mga piling sanaysay sa wika at panitikan (Handog-parangal kay Ponciano B. P. Pineda). 1984: Quezon City: Phoenix Publishing Co.

Villafuerte, Patrocinio V. 2000. Panunuring pampanitikan (Teorya at pagsasanay). Valenzuela City: Mutya Publishing House.
B. Artikulo

Bautista, Cirilo F. "Writing workshops and the sound of poetry". Philippine Panorama. May, 1998.

Royo, Ramero B. "Ang pagtuturo ng pagsulat". The RAP Journal. Vol. XXIV. October 2001.

Sharples, Mike. 1996. "An account of writing as creative design". Creativity on Writing. New Jersey: Lawrence Earlbaum Associates, Inc.

Tolentino, Rolando B. "Ang pagsulat ay gawaing politikal". Musa. The Philippine Literature Magazine. Vol. 1 Issue 2 October, 2001.

Villafuerte, Pat V. 2002. "Huling hiling, hinaing at halinghing ni Hermano Huseng", pangatlong gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa pagsulat ng maikling kuwento, 2002.

____________________. "Ang pasyon ni Gat Andres Bonifacio sa dantaong dalit ng lahing Pilipino: Repleksyon ng tao, lipunan at gobyerno"

____________________. 1983 "Mga gintong Kaisipan at paghihimagsik sa tuldok ng bawat taludtod: Panaghoy ni Balagtas sa isang madilim, gubat na mapanglaw".

____________________. 1987. "Mithing kalayaan, pagkamakabayan at kamalayang panlipunan sa gintong panahon ng maikling kwento, dekada '40: Salalayan ng buhay at kamatayan".

____________________. 1984. "Ang daigdig ng tula, ang daigdig ng makata at ang daigdig ng kaakuhan sa ako ang daigdig at iba pang tula ni Alejandro G. Abadilla.

____________________. 1986. "Radikalismo sa lipunang Pilipino: Manipestasyon ng tatlong modernong dula sa eksperimentasyong Teatrikalismo".

_____________________. 1985. "Ang Satanas sa lupa ni Celso Al. Carunungan: Repleksyon ng kamalayang sosyo-politikal sa bansa".