Ang Sitwasyon ng PagtuturoPagkatuto ng Etnoastronomiya sa Batayang Edukasyong Pansekondarya ng Agham

Authors

  • Renalyn O. Daza Rizal Technological University
  • Irene Fe T. Esma Rizal Technological University
  • Rizza Mae E. Inge Rizal Technological University
  • Michael Andio T. Suan Rizal Technological University
  • Ariel U. Bosque Rizal Technological University

Keywords:

Etnoastronomiyang Filipino, kultura, maka-Filipinong edukasyon, wika

Abstract

Nasisipat ng tao ang kalangitan batay sa kaniyang kaalaman, kultura, at kinabibilangan. Subalit, disapat ang diskurso sa paaralan dahil sa ibang oryentasyon ng kaalaman at kagamitan sa batayang edukasyon ng Pilipinas. Kaugnay rito ang pagdodokumento sa kalagayan ng pagtuturo ng etnoastronomiya sa sekondarya, at pagtanggap ng mga guro dito tungo sa pagpapasimula ng maka-Filipinong edukasyon. Isinakatuparan ito sa pagsasarbey sa mga guro ng agham; pagsasagawa ng panayam at konsultasyon sa mga eksperto sa larang ng astronomiya, etnoastronomiya, at edukasyong pangagham; at pagsusuri ng mga lokal at banyagang pagaaral at literatura hinggil sa pilosopiya ng edukasyon at etnoastronomiyang Filipino. Nasipat ang pagtaliwas sa pilosopiya ng edukasyon sa pagtuturo ng agham, pagtitiyak sa astronomiya, at pagtugon sa punang malakolonyal. Gayundin ang kakapusan sa reperensiya ng etnoastronomiya at kaalaman ng mga guro hinggil dito. Mula rito, ang nalikhang saliksik ay magagamit bilang reperensiya sa pagtuturo para sa lalong pagpapaunlad ng maka-Filipinong astronomiya.

Downloads

Published

2022-06-30

Issue

Section

Research Article