Pagsusuri at Klasipikasyon ng Kasarian ng mga Nominal na Salita sa Filipino

Authors

  • Nina Christina Lazaro-Zamora Philippine Normal University
  • Adonis P. David Philippine Normal University

Keywords:

kasarian, Filipino, nominal, gramatika, klasipikasyon

Abstract

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral ay makabuo ng klasipikasyong pangkasarian sa mga salitang nominal sa Filipino na may malalim na integrasyon ng kasarian sa wika at kulturang Pilipino. Gamit ang deskriptibong pamamaraan, ang mga mananaliksik ay pumili ng tatlong panggramatikang aklat sa Filipino na kung saan, nakalikom ng mga halimbawang salita na may
kaugnayan sa kasarian. Batay sa pagsusuri ng mga salita ay nakabuo ng klasipikasyon ng kasarian sa nominal na salita. Ito ay ang sumusunod: Kasariang Maylapi, Kasariang Markadong Semantikal, Kasariang Kontekstwalisado, at Kasariang Di Kontekstwalisado. Natuklasan ng pag-aaral na ang mga salitang nominal sa Filipino ay may taglay na kasarian tulad ng pambabae, panlalaki, walang kasarian at di tiyak batay sa mga halimbawa sa mga aklat panggramatika. Kaugnay nito masasabing ang kasarian ay hindi makikita sa estruktura ng isang wika kung hindi sa pakikipag-ugnayan nito sa semantikal na aspekto ng salita at lipunan (konteksto). Nirerekomenda na gamitin ang nabuong klasipikasyon ng nominal na salita upang maging paunang daan sa integrasyon ng Gender and Development (GAD) sa larangan ng wika na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.

Downloads

Published

2022-08-22

Issue

Section

Research Article